Pagsusuri ng “Maynila sa Kuko ng Liwanag”

JILLian kathERINe
4 min readMay 4, 2021

--

Ang ‘Maynila sa Mga Kuko ng Liwanag’ ay isang nobela at pelikula na kung saan nagpapahayag ng mga malaking problema o isyu ng lipunan na ipinapakita sa pamamagitan ng mga karakter sa istorya. Ano nga ba ang kahulugan ng pamagat na “Maynila sa kuko ng Liwanag”? Una nating mapapansin ang mga tatlong salitang “Maynila” “kuko” at “liwanag”, ano-ano ang simbolismo nito sa istorya?

Ang simbolismo ng salitang ‘Maynila’ sa pamagat ay dahil halos lahat ng karakter sa pelikula ay nanggaling sa probinsya at lumuwas sa Maynila,nagbabakasakaling baka sa Maynila sila makakatikim ng ‘liwanag’ na inaasam. Ang simbolismo naman ng salitang ‘liwanag’ sa pelikula ay pagasa, kaginhawaan at kalayaan. Ang simbolismo naman ng salitang ‘kuko’ sa pelikula ay karahasan, bangis at kasawian, hindi maikakaila na mula lamang sa pamagat mahuhulaan natin na ang mga karakter ay hindi nagtagumpay sa pagluwas sa Maynila.

Ang nag-isip sa natatangi pamagat na ito ay walang iba kundi si Edgardo Reyes. Si Edgardo Reyes ay ipinanganak noong ika-20 ng Setyembre ng 1936 at namatay noong ika-15 ng Mayo ng 2012. Siya ay isang manunulat, screenwriter at nobelista na maraming naambag sa panitikan ng ating bansa, ang ilan lamang sa kanyang mga nobela ay “Laro sa Baga”, “Uod at Rosas” at “Sa Kagubatan ng Lungsod”. Ang Maynila sa Kuko ng Liwanag ay orihinal na isinulat ni Edgardo Reyes bilang isang nobela noong 1986 na na-serialize sa “Liwayway Magazine” noong taong 1966 hanggang 1967. Nasa-pelikula lamang ito noong 1975 sa tulong ng pag-direktor ni Lino Brocka. Sa taglay na talento ng mga gumawa, ito ay humakot ng premyo sa 1976 FAMAS Awards.

Kilalanin naman natin ang mga importanteng tauhan sa ating pelikula; Julio Madiaga, isa sa nangangarap na matatamo ang kaginhawaan at sumunod kay ligaya sa Maynila, para sa akin ang kanyang karakter ay nagpapahiwatig ng pagiging matiisin at matiyaga na patuloy na kakapit sa patalim upang makapagpatuloy sa buhay. Ligaya Paraiso, kaginhawaan ang tanging nais kaya sumama sa Maynila, para sa akin ang kanyang karakter ay nagsisimbolo ng sobrang mapagmahal at mapagmalasakit ngunit na naging biktima sa kanyang pagiging inosente at mapagpaubaya. Mrs. Cruz, ang dahil sa kahirapan ni Ligaya, para sa akin ang kanyang karakter ay nagsisimbolo sa mga taong gahaman at mapanlinlang na hindi magdadalawang isip manapak at magpaikot ng isang tao upang makuha ang nais. Ah tek, siya ay isang dayuhan na mapagsamantala, para sa akin ang kanyang karakter ay kabaliktaran ng karakter ni Ligaya, kung si Ligaya ay mapagparaya at mapagmahal si Ah tek naman ay makasarili at sakim kagaya ni mrs. cruz. Pol, isang mabuting kaibigan at mapagmahal na anak ngunit matatakutin at walang katiyakan, para sa akin ang kanyang karakter ay nagsisimbolo ng tunay na pagkakaibigan, siya masipag ngunit laging takot sumubok ng mga bagay. Perla, mapagmahal at maalaga, para sa akin ang kanyang karakter ay nagsisimbolo sa kawalan ng pag-asa at pagkakataon ng dahil sa kahirapan. Atong, maalaga sa pamilya at simpleng tao lamang, para sa akin ang kanyang karakter ay nagsisimbolo ng mga tao na-abuso at naging biktima ng hustisya. Bobby, handang magsakripisyo ngunit laging napupunta sa maling sitwasyon, para sa akin ang kanyang karakter ay matapang ngunit bumabagsak sa maling desisyon dahil sa pagiging desperado. Benny, puno ng talento at hangad lamang ang simpleng buhay, para sa akin ang kanyang karakter ay hangad lamang ang isang payak na buhay ngunit naging biktima pa rin ng karahasan. Imo, masikap at madiskarte, para sa akin siya ay isang masipag na tao at patuloy na nagsusumikap upang umangat sa buhay. Mga kapatas, tuso at mapang-isa sa kapwa, para sa akin ang kanyang karakter ay nagsisimbolo ng mga manloloko at mapanlamang na tao sa lipunan.

Alamin naman natin ang simbolismo ng mga tagpuan; Estero, ang tagpuan na ito ay nagsisimbolo ng karumihan at panganib sa lungsod ng Maynila. Isang gusali, ang tagpuan na ito ay nagsisimbolo ng katatagan at pagkakaisa. Dalampasigan, ang tagpuan na ito ay nagsisimbolo ng pagtanaw sa pag-asa at syempre ang huling tagpuan ay ang Maynila. Ang Maynila ay nagsisimbolo ng kasaganahan at pangarap.

Ang mga Teoryang Pampanitikan na maaaring nating gamitin sa pagsusuri ay Realismo, Naturalismo at Romantisismo. Realismo, dahil ipinakita sa pelikula ang halos pagkakapareho ng kanilang mundo sa totoong mundo at ang mga kapangitan at kasamaan ng lipunan, ng kahirapan, ng pera at ng pang aabuso at pananamantala na nagdulot ng kabiguan sa mga karakter tulad ni Julio at Ligaya. Naturalismo, dahil ipinakita sa pelikula ang mga makatotohanan na gawain o ginawa ng ating mga karakter. Tulad ng nangyari kay Bobby na nagbenta ng sariling laman upang mabuhay, o kaya sa pagiging prostitute ni Ligaya o sa pagtapos ng buhay ni Julio. Romantisismo, dahil ipinakita sa pelikula ang walang katumbas na pagmamahal sa pamilya, lalo na sa mga magulang at kapatid, sa kasintahan at sa kapwa.

Bilang konklusyon, ang “Maynila sa Kuko ng Liwanag” ay isa sa mga kamangha-mangha at realistikong pelikulang pilipino na aking napanood. Bukod sa pagsulat at pagganap, nagbibigay ito ng aral at babala na magagamit sa totoong mundo na ating ginagalawan. Sa palagay ko, ay angkop itong basahin ng mga estudyante ng Ys10,katulad ko, dahil magsisilbing inspirasyon at gabay na rin nila itong pelikula hanggang sa handa na kami humarap sa totoong mundo.

--

--